Cherreads

Chapter 3 - Two: Femmé Fatale

LIA

"Buhay siya, Lia. 

Buhay na buhay... at gusto ka niyang makita at makapiling muli..."

"Buhay siya, Lia. 

Buhay na buhay... at gusto ka niyang makita at makapiling muli..."

Paulit-ulit ang mga salita ni Heimdal sa isipan ko, at kahit pilitin ko mang kalimutan ang mga iyon, kusa lamang itong bumabalik at bumubulong sa aking tenga. Kailangan ko itong ipagsawalang-bahala.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kailangan ko lang kumalma...

Naging mabilis ang pagdating ko sa lugar na aking pakay, at hindi nga ako nabigo. 'Kailangan kong kumalma'

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang dalawang mortal na naghahalikan sa labas ng sasakyan. Itinali ko nang mataas ang nakalugay kong buhok, hinubad ang leather jacket na may dugo, at inihagis ito kung saan. Tanging ang itim kong sleeveless na pang-itaas ang natira. Sinigurado kong wala nang bakas ng dugo sa buo kong katawan, hinayaan kong lumabas ang natural kong bango, at nagsimula na akong maglakad papunta sa direksyon ng naglalampungang mga mortal.

Sa bawat hakbang ko, kasabay ang pag-iingay ng takong ng aking sapatos—na mas lalong nakakapagpa-init ng ulo ko. Pero agad ding nawala ang inis nang makuha ko ang atensyon ng lalaking mortal. Itinigil niya ang paghalik sa babae. 

Napangisi ako sa aking isipan at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang ilang metro na lang ang pagitan namin, tinapunan ko siya ng tingin at binigyan ng mapang-akit na ngiti mula sa mapu-pula kong labi.

Napaawang ang kanyang bibig, na naging sanhi ng muling paghalik sa kanya ng babae. 

Tumalikod na ako mula sa kanya nang makuha ko na ang gusto ko. Kahit nakatalikod, alam kong itinulak niya ito palayo sa kanya at walang pag-aalinlangang sumunod sa akin papasok sa bahay-aliwan.

Hindi pa man ako tuluyang nakapasok, may humigit na sa kamay ko. Lumingon ako at binigyan siya ng matatamis na ngiti.

"May I?" 

Tanong niya sa akin. Tumango ako.

Hinila niya ako nang marahan papasok sa loob, at hindi nagdalawang-isip na idikit ang kanyang katawan sa akin. Hinayaan ko na lamang siya. Napapalunok ako sa tuwing dumidikit ang kanyang katawan. Bumaba ang kanyang kamay mula sa aking balikat papunta sa aking bewang. Dumikit ang init ng kanyang palad sa aking balat.

"You're way too gorgeous... it's so inhuman." bulong niya sa akin.

Napapalunok na lang ako sa tuwing sasagi ang kanyang mainit na hininga at labi sa aking leeg.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang madilim na bahagi ng lugar. Ako na ang humila sa kanya papunta roon.

"Woah, easy, gorgeous..."

Tumawa ako nang makita ko ang itsura niya. Mabilis niyang inilapat ang kanyang mga labi sa aking leeg.

"I love your scent... it's just too much—addicting."

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang daloy ng dugo sa bawat ugat ng katawan niya. Naging malikot ang kanyang mga kamay, sinuyod ang bawat parte nito. Muli niyang inilapat ang kanyang mga labi sa akin. Sumabay ako sa kanyang mga galaw, hanggang sa nalunod na ako sa kakaibang sensasyon na inihahatid ng init ng kanyang katawan.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. 'Kailangan kong maglibang'.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at ginawa ko ang gusto ko. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg, dinilaan ang parte kung saan nanggagaling ang pulso—na konektado sa kanyang puso. Bigla siyang sumigaw at mabilis na lumayo sa akin.

"What the f**k!!!"

Dinilaan ko ang dugong nasa labi ko. *Ang tamis... 

Nakakasabik. Nakakagutom.* Muli akong napalunok.

Mabilis siyang tumalikod sa akin at nagsimulang tumakbo habang hawak-hawak ang duguang leeg. Napa-iling na lamang ako.

"We're not yet done here, baby..."

Bulong ko sa kanya nang maharangan ko ang daraanan niya.

Bahagyang lumaki ang mga mata niya, pero agad din iyong nawala nang muli kong inilapat ang aking mga labi sa kanyang labi. Napangisi ako nang mapansin ko ang inilabas niya mula sa kanyang pantalon. Agad ko itong hinuli, at bago pa siya makalayo, kinagat ko na ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong ito, napahiyaw na siya sa sakit.

Kung kanina ay takot ang nakalatag sa kanyang mukha, ngayon ay galit na ang makikita rito.

" You're going to pay for this!!! I'm going to kill you!!!"

Ang kaninang nakakasilaw niyang asul na mga mata ay agad na naging pula, at lumabas ang kanyang matutulis na mga pangil...

More Chapters